PusongMalaya
Sa bawat lihim na tinig, nakatago ang pusong sugatan, ang pagmamahal na inaalok ay paalala ng hapdi at kirot ng nagdaang pag-ibig.
Ang bawat sulyap at pangungusap na puno ng takot, ay bumabalot sa puso ng pagdududa, isang paglalakbay ng pangungulila-sa pag-ibig na nais makapiling, ngunit takot masaktan muli.