FarahTale
"Don't.You.Dare,Alessandra.You wouldn't like it when I'm mad..."makapanindig-balahibo sa lamig na wika ni Vladimir sa nakatakdang maging esposa.
Siya ang anak ng pinakamakapangyarihan na bampira sa kanilang angkan.Ang kanyang amang si Cadmus ay ipapasa lamang sa kanya ang trono sa oras na makaisang dibdib niya ang itinakda.Hindi birong panahon at pagpapagal ang inilaan niya upang matagpuan lamang ang mailap na dalagang ito.Nakasisiguro agad siyang ito ang magiging reyna niya at ng mga bampira ng tumibok ng mabilis ang puso niya ng masilayan ang napakagandang dalaga.
Funny,right?
Hindi kailanman tumitibok ang puso ng mga bampira-maliban sa angkan nila."Love at first sight."yun ang kanilang madarama once na matagpuan na nila ang kanilang nakatakdang maging asawa...