MidnightCore134
Sa unang kabanata, ibinahagi ni Rofi ang kanyang buhay bilang isang grade 10 student at major officer sa kanilang paaralan. Sa gitna ng pagiging abala sa tungkulin, isang di-inaasahang sandali ang nagbago ng kanyang mundo-ang makita si Shella, isang simpleng estudyanteng babae na agad kumurot sa kanyang damdamin. Sa bawat sulyap, bawat ngiti ni Shella, unti-unting nahulog si Rofi sa tahimik ngunit matamis na paghanga. Ngunit habang siya ay abala sa pagdiskubre ng damdamin, isang mas malapit na kaibigan ang palihim ding kumakatok sa kanyang puso. Dito nagsimula ang isang kwento ng pagpili, pagkakagusto, at unang pag-ibig-at kung paano ito biglang nagbago dahil sa isang pandemya.