Eli_nics
Sa Blackwood Academy, hindi lang katalinuhan ang puhunan kundi tapang. Para kay Elise Navarro at Adrian Reyes, ang pagiging rank one ay isang labanang hindi nila kayang talikuran. Sa loob ng apat na taon, walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa. Ngunit isang linggo bago ang huling pagsusulit, biglang naglaho si Cassandra Lee ang kasalukuyang valedictorian.
Walang nakakaalam kung aksidente lang ba ito o may mas malalim na dahilan. Habang sinusubukan nilang alamin ang nangyari, natuklasan nina Elise at Adrian ang isang lihim na matagal nang tinatago ng paaralan.
At ngayon, hindi na lang mataas na marka ang nakataya kundi pati ang kanilang buhay.