nerdWrites
Si Andrea Mae De Los Santos, 23 years old, ay isang ordinaryong babae na may extraordinaryong pagmamahal sa Wattpad stories-lalo na sa "My Online Game Ka-Duo." Matapos niyang matapos ang kuwento nina Leo at Mika, gusto niya ng pagmamahal na kasing-genuine at kasing-tapang ng sa kanila. Isang tahimik na gabi, nakatulog siya dala ang wish na iyon sa puso niya... at nagising siya sa Mundo Ng Wattpad.
Nag-transmigrate siya sa kuwentong may title:"I Fell in Love with a Fictional Wattpad Character: Cold CEO."
Ang nakakagulat? Ang pangalan ng female lead ay Andrea Mae De Los Santos din-pero sa mundong ito, isa siyang mahirap, ulilang babae na struggling to survive sa Maynila. Nakatira siya sa isang maliit na rented apartment kasama ang kanyang best friend, nagkukuwento ng dreams at late-night worries, at malapit nang harapin ang kanyang first day sa trabaho sa isang malaking kumpanya...
Late, nervous, at overwhelmed, aksidenteng nabangga ni Andrea ang isang matangkad, cold-looking na lalaki sa harap ng building ng kumpanya. No apology. No second glance. Hindi niya alam na ang lalaking hindi niya pinansin ay si Lucas Ramos, 27 years old-ang kinatatakutan at hinahangaang CEO ng kumpanya.
Sa likod ng kanyang cold at intimidating facade. Ngunit kitang-kita ng kanyang closest friend at assistant-si Lucas ay umaarte na parang bata, at oddly attentive tuwing nandiyan si Andrea.
Si Andrea, shy at soft-spoken, ay sinubukan ang kanyang makakaya para tiisin ang harsh treatment ng CEO, unaware na sa likod ng kanyang coldness ay isang lalaki na dahan-dahang nahuhulog sa kanyang sincerity, kindness, at quiet strength. Ang nagsimula bilang tension at misunderstanding ay unti-unting nagiging stolen glances, unspoken concern, jealousy-filled moments, at unexpected sweetness.
Habang nahihirapan si Andrea sa kanyang feelings at sa lumalaking realization na nabubuhay siya sa loob ng isang fictional story
Panaginip lang ba ang mundong ito na paggising niya ay matatapos ba ang lahat?