ink_kanto
Isang kakaibang lunes, pumayag si Arnold Montersorio sa loob ng kanilang pamamahay makipagkita ang asawa niyang si Divine sa kabit nito-mas bata at masigla pa sa kanya. Marahil mistula siyang baliw sa paningin ng iba, subalit nais lang niyang itago ang lihim ng asawa sa mga malalapit nilang kaibigan, kamag-anak at pamilya.
Mas gugustuhin pa ni Arnold na masaktan kaysa malaman ng iba ang totoo sa relasyon nila Divine. Limang taon na silang kasal, at sa bawat taon na iyon, si Divine ay naging mabuting asawa-maalaga, mapagmahal, at laging nandiyan parati. Sa kabila ng kanyang dedikasyon sa trabaho at mapagmahal na asawa, may ilang bagay na hindi niya kayang maibigay: isang anak, at sa loob ng kama, hindi na niya nagagampanan ang papel niya bilang asawa. Nagsimula ang problema makalipas ang isang taon mula nang ma-promote si Arnold bilang Senior Auditor.