msglrmd
Sa isang maliit na independent bookstore sa gitna ng magulong Maynila, dalawang estranghero ang sabay na umabot sa iisang libro-The Art of Solitude.
Si Justin, isang sikat na artist na naghahanap ng katahimikan.
Si Gabby, isang pagod na doktor na naghahanap ng pahinga.
Pareho silang ayaw bumitaw.
Isang simpleng agawan ng libro ang nauwi sa isang hindi inaasahang kasunduan: magbasa nang magkasama. Sa pagitan ng mga pahina, unti-unting nabubunyag ang mga kwento nila-mga pagod, mga takas, at mga bagay na matagal na nilang tinatago.
Pero sa gabing iyon, sa gitna ng ulan at katahimikan ng bookstore, may mas mahalagang bagay silang natagpuan kaysa sa librong pinag-aagawan nila.
Minsan, hindi solitude ang hinahanap mo-
kundi ang taong makakasabay mong basahin ang buhay.
Listen to Spotify the Playlist for this Novel- Booked Together ❤️ : https://open.spotify.com/playlist/2E4fWZU0Ghgkzg0x3rWZos?si=qegT5bCjQS2wP7MlK18CyA&pi=-Pex4RBJQxqgn