pastelnoise
Sa gitna ng abalang mundo ng corporate life, kung saan ang bawat minuto ay mahalaga at ang tsismis ay mabilis kumalat, isang simpleng sulyap ang naging simula ng isang hindi inaasahang pag-ibig.
Si Autumn, isang tahimik at masipag na graphic designer, ay sanay sa pagiging lowkey at iwas sa anumang intriga sa opisina. Ang kanyang mundo ay tahimik, maayos, at nakatutok lamang sa trabaho. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating ni Phoenix, ang bagong manager na kilala sa kanyang katalinuhan at disiplina ng isang taong seryoso sa unang tingin, ngunit may nakatagong lambing para sa mga simpleng bagay.
Isang araw, sa isang tila ordinaryong sandali sa break room, nagtagpo ang kanilang mga mata. Isang mabilis na sulyap ngunit puno ng damdaming nagbukas ng bagong kabanata sa kanilang buhay.
Habang lumilipas ang mga araw, ang mga simpleng tingin ay nauwi sa maliliit na ngiti, at sabayang coffee break, at di inaasahang koneksyon. Ngunit sa likod ng kilig ay may mga hamon na kailangang harapin: mahigpit na deadlines, mapanuring mata ng mga kasamahan, at mga sikreto sa kanilang nakaraan na maaaring maging hadlang sa kanilang nararamdaman.
Mapapanatili ba nila ang ugnayan sa gitna ng pressure sa trabaho at mga komplikasyon ng buhay? O mananatili lamang ba ang lahat sa isang sulyap sa gitna ng ingay?