Meyonnaise27
Mikayla "Mika" Santos ay isang certified walking disaster na OJT. Masayahin, makulit, at laging may passion... pero laging may kaakibat na kapalpakan. Ang kanyang motto: "Trial and error lang 'yan!"
Pangarap niyang ma-hire sa prestihiyosong Digital Hive Media Agency, pero bago pa man siya makapagsimula, na-assign na siya sa pinakastrikto, pinakamasungit, at pinakaperpektong OJT sa buong kumpanya: si Kian Gabriel "KG" Reyes.
Si KG ay Control. Siya ay protocol, precision, at professionalism. Ayaw niya ng chaos, at higit sa lahat, ayaw niya ng distraction-at si Mika ang Master of Distractions. Para kay KG, kailangan lang niyang i-train si Mika sa technical skills. Pero habang pinipilit niyang ayusin ang palpak na trabaho ni Mika, unti-unti niyang natutuklasan na ang chaos na dala nito ay siya pa lang nagpapakulay sa kanyang napakaboring na buhay.
Pero ang OJT ay may katapusan. At bago matapos ang training na ito, kailangan nilang pumili:
Ipapasa ba nila ang Workplace Protocol? O ipaglalaban nila ang Training ng Puso?
The ultimate work-life balance starts now.