Gemae_Ruth007
Pangarap ni Gemaema ang pag-ibig na hindi madaling mahanap-pag-ibig na mula sa Diyos, tapat, payapa, at may direksyon. Sa likod ng kanyang tahimik ngunit malalim na pagkatao ay ang isang babae na pinanday ng panalangin, pananampalataya, at paghihintay. Ang kanyang puso ay hindi bukas sa kahit sino, kundi sa lalaking ipinagdasal niya gabi-gabi-matangkad, moreno, may mustisong anyo, ngunit higit sa lahat, isang lalaking may takot sa Diyos at may dalang kapayapaan.
Hindi siya ang tipikal na babae na hinahanap ang pag-ibig sa kung saan-saan. Pinili niyang hintayin. Pinili niyang maniwala. Pinili niyang manalangin. At sa paglipas ng mga taon, nanatili ang apoy ng kanyang pananampalataya-hanggang sa dumating ang araw na binago ng isang estranghero ang takbo ng kanyang mundo. Magsisimula ang isang kwentong pag-ibig na hindi mo akalaing totoo... ngunit sa puso ng isang gaya ni Gemaema, lahat ng pangarap ay posible.