RebeccaBagal
Ang kwento ay umiikot sa malalim na katanungan: "Paano kung ang Diyos ay isa lang sa atin?" Sinimulan ito sa mga kaisipan tungkol sa kung ano kaya ang itsura, pangalan, at pagkatao ng Maykapal kung Siya ay magpapakita sa ating mundo. Ipinapakita nito ang paniniwalang madalas nating inaakala na ang Diyos ay laging nasa itaas, makapangyarihan, at puno ng kaluwalhatian-ngunit paano kung dumating Siya sa anyo ng isang simpleng tao?
Ang pangunahing tagpo ay naganap sa isang terminal ng bus kung saan nakita ng bida-isang kabataang babae-ang isang matandang lalaki na mukhang pagod, marungis, at walang kakilala. Habang ang ibang tao ay umiiwas o walang pakialam sa matanda dahil sa kanyang itsura, siya lang ang lumapit at nag-alok ng tubig at tulong. Sa kanilang pag-uusap, dahan-dahang nahayag ang katotohanan at mga aral: na ang Diyos ay maaaring nasa anyo ng sinumang nangangailangan, at ang tunay na pananampalataya ay nakikita sa pagmamahal at pagtulong sa kapwa.