AahWil
Hay nako andami ko ng ginamit sa katawan ko para lang gumanda ako at mapansin ng iba, nag kojic soap, nag gluta, nag facial scrub umaga at gabi pero ganun pa din, panget pa din ako.
Hindi ko nga alam eh kung paano iboboost yung confidence ko sa sarili eh kasi parang kinakain na ako ng sistema, nakakapanlumo ng loob. Walang nagkakagusto at walang pumapansin sa akin, napakatahimik ng buhay ko.
Nag install ako nung Grindr yung gay app nagbakasakali kasi ako pero may isang Grindr guy na sobrang bwesit ako, napakapresko niya pasalamat siya gwapo siya, pagkaalala ko yung name nya is "@urchinitotop" kasi naman chinito siya, maputi tapos malaki katawan niya, halatang naggym siya.
@pcy: Hi!
@urchinitotop: Hello Panget! Hahahaha