Whispering_Ivy
Si Ashton Monterial ay isang dating boksingero na naging hitman para lang mapagamot ang kanyang lola.
Isang gabi, ibinigay sa kanya ang huling misyon bago siya makalaya sa gang: ang iligpit ang matapang na prosecutor na si Nadia Celestine Cordova-ang babaeng lihim niyang unang pag-ibig noong high school.
Imbis na patayin, iniligtas niya si Nadia at dinala sa isang tahimik na probinsya. Dahil sa aksidente, nagising si Nadia na walang anumang alaala.
Upang maprotektahan ito mula sa sindikato, nagsinungaling si Ashton at nagpanggap na siya ang fiancé nito na malapit na niyang pakasalan.
Sa pagitan ng sunog na ulam, selosan sa tabing-dagat, kakulitan ni Lola Berta, at ng makulit na "Chismosa Trio" ng baryo, unt-unting naging totohanan ang pekeng pag-iibigan.
Pero hanggang kailan maitatago ang sikreto kung parating na ang sindikato upang ubusin sila?
Dugo, sakripisyo, at isang matinding plot twist ang susubok sa kanilang pag-ibig.
"Ngayong naalala ko na ang lahat... pwede na ba nating totohanin ang kasal natin?"