MysteriousGirl1008
Sa gitna ng malakas na ulan at gabing halos walang dumadaan, nagtagpo sina Serein Calix, isang babaeng nagdadala ng mga "memory notes" na hindi niya ma-let go, at Luka Ardenes, isang sketch artist na kumakapit sa mga silhouette ng mga taong nawala sa buhay niya.
Pareho silang may bitbit na sakit.
Pareho silang may iniwang tanong na walang sagot.
At pareho silang nauwi sa iisang overpass past midnight.
Isang gabing puno ng lamig, katahimikan, at mga salitang hindi nila inakalang sasabihin sa isang estrangherong parang matagal na nilang kilala.
Minsan, hindi mo makikita ang simula ng bagong kuwento... hanggang hindi ka natutong huminto sa gitna ng bagyo.
Was it coincidence?
Or the quiet beginning of something they never expected?
A unique, heartfelt Taglish one-shot about gentle healing, unexpected connections, and the kind of meeting that feels like fate disguised as an ordinary night.