Jengs26
"Puso ang nagkamali, at pag-ibig ang naging parusa."
Hindi niya hinanap - pero dumating. Isang bawal na relasyon, isang pag-ibig na puno ng lihim at luha. Pinilit niyang lumayo, pero mas malakas ang hatak ng damdamin.
Sa mga sandaling siya lang ang kasama, ramdam niya ang pagmamahal. Pero sa tuwing aalis ito at babalik sa totoong mundo, naiwan siyang walang pangalan, walang karapatan.
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang isang pag-ibig na mali? Pipiliin mo bang masaktan habang kapiling siya, o bibitaw kahit mahal mo?
Bawal Pero Mahal Kita - isang kwento ng pusong lumaban sa bawal, at ng pag-asang sana, balang araw, may magmamahal ng buo at tapat.
---