RarangFrancisco
Si Lina at Michael ay 10 years ng magkarelasyon, at 3 years na silang naglilive-in, para kay lina sapat na ang kanilang pagmamahalan kaya hindi niya na iniisip ang pagpapakasal at hindi pa siya handa na magkaanak, Si Michael ay kabaliktaran sa gusto ni Lina dahil gusto na nitong magpakasal at magka anak.
Isang araw, habang nakahiga silang dalawa sa kama ay yumakap si Michael kay Lina at sinabing, "Love magpakasal na tayo at gusto ko na rin na magkababy tayo". Nagalit si Lina kay Michael dahil ilang ulit niya na sinasabi rito na hindi pa siya handa at makuntento na lamang sa kung anong relasyon mayroon sila ngayon.
Paulit ulit ang ganung scenario sa buhay nila pero kahit na nag-aaway sila dahil doon ay sa huli napapag-usapan naman nila ng maayos, dahil narin sa maturity at lubos na pagmamahalan nilang dalawa, lalo na si Michael wala siyang ibang hinangad kundi ang kaligayahan ng babaeng pinakamamahal niya, at palaging hinihintay ni Michael na mabuo ang desisyon ni Lina para sa pagpapakasal at pag-aanak, dahil kahit nangungulit siya dito ay tanggap niya naman at kaya niyang maghintay kung kailan handa na si Lina, Yun nga lang ay may lungkot at kulang palagi sa mata ni Michael dahil hindi pa sila ikinasal at wala pa rin silang anak at hindi masisi ni Michael si Lina dahil yon naman ay napagkasunduan nila bago sila nag live-in na hindi sila mag-aanak hanggat hindi sila ikinakasal.