unripeberry
Mga bagay na nilalaman ng damdamin,
Ngunit hindi pa pwedeng sabihin,
sa mga oras na ito.
Kaya dinadaan na lamang sa tula
O sa anomang paraan ng pananalita
Nagbabaka sakaling iyong mabasa at makita.
Pero gusto kong malaman mo..
Na lagi lang akong nandito.
Wala mang direktang komunikasyon
Patuloy pa rin ang konekyson
Sa pamamagitan ng mga indirektang bagay
Kailangan mo lang hanapin ang direksyon
Kung san mo ito makikitang nakalagay
Hiling ko lang
Makatanggap din ako ng indirektang reply
Malaman ko kung pareho pa rin tayong naghihintay
O may iba ka nang gustong makasama sa buhay.