ainagcha
Si Cin-cin Dela Cruz ay isang simpleng dalaga mula sa Batangas na lumaking walang ina. Umalis ang kanyang Mama papuntang Maynila nang may pangakong babalik, pero hindi na ito natupad. Pagkalipas ng ilang taon, natanggap ni Cin ang sulat mula sa ospital-patay na ang kanyang ina.
Dahil doon, nagsimula ang paghahanap ni Cin ng mga sagot. Sa gitna ng sakit, nakilala niya si Rico Dela Peña, isang mabait at misteryosong binata mula sa Maynila. Naging magkaibigan sila, hanggang sa unti-unti silang nagmahalan.
Ngunit nalaman ni Cin na ang pamilya ni Rico ang may kinalaman sa pagkawala ng kanyang ina.
Nabasag ang puso niya - pinagtagpo sila ng tadhana, pero pinaglayo ng katotohanan.
Dala ng mga liham ng kanyang ina na natagpuan niya sa isang lumang baul, nalaman ni Cin na hindi siya iniwan dahil sa kahinaan, kundi para protektahan siya. At ang "mabuting batang lalaki" na binanggit ng kanyang ina - ay si Rico pala.
Dahil sa bigat ng lahat, pinili ni Cin na lumayo.
Sa ulan, nagpaalam sila ni Rico - puno ng luha at pagmamahal na hindi na pwedeng ipaglaban.
Bumalik si Cin sa kanilang isla, kung saan niya muling natagpuan ang katahimikan at kapatawaran.
Sa ilalim ng puno ng bayabas kung saan nakalibing ang mga liham ni Mama, narinig niya ang tinig nito:
> "Anak, malaya ka na."