Hannna_kath
Hanna Kathrina Mendoza. Isang simpleng dalagang lumaki sa hirap. Inampon siya ng tiyahin niya matapos masawi sa aksidente ang nanay niya. Akala niya, ganun na lang talaga ang takbo ng buhay sakto lang, mahirap, pero kontento.
Sa Vion University, second year MedTech student siya. Dito niya unang naranasan ang totoong impyerno. Hindi dahil sa hirap ng pag-aaral, kundi dahil sa mga sikat at mayayamang estudyanteng ginawang laro ang damdamin niya.
Mga bully na halos kontrolado ang campus:
BOYS: Athan, Liam, Franco, Zeildrick, Alden
GIRLS: Cassandra, Ysabel, Thea
Harap-harapang pang-aalipusta. Below-the-belt na pang-iinsulto. Ginagawa siyang katatawanan. Kahit wala siyang ginagawang masama, parang kasalanan na agad ang paghinga niya.
Hindi siya perpekto. Hindi rin siya palaban. Pero hindi rin siya bato para 'di masaktan.
This is a story ng mga kabataang katulad ni Hanna yung sinasaktan, inaapakan, at hindi pinapakinggan... pero araw-araw lumalaban.
Sa mundong pinuno ng panghusga, deserve mo bang maramdaman na tao ka rin?
Kung ikaw si Hanna... kaya mo pa ba?