remyquitoriano
Hanggang kailan ko kayang magtiis?
Hanngang kailan ko kayang magtiyaga?
Hanngang kailan ko kakayanin ang lahat ng pagod? Hirap? At lungkot?
Ako si Kim Sanchez. Kasalukuyang nag-aaral ng high school sa isang lokal na paaralan sa Bulacan. Lumaki ako sa piling ng nanay at tita ko. Tindera ang tita ko, kasamabahay naman ang nanay ko. Nakikitira ako sa tita ko dahil stay in ang nanay ko. Masaya naman ang buhay namin. Nagigipit pero nairaraos. Akala ko okay na ang lahat. Akala ko tuloy tuloy na. Pero nagbago ang lahat ng magkasakit ang nanay ko.