mandotie
Isang batang inapi, isang lalaking bumangon mula sa mga pagsubok, at isang matagumpay na negosyanteng nagpatunay na walang imposible sa taong may pangarap. Ito ang kwento ni Charles Anthony Tabisola Cardenas, isang Latino na mula sa pagiging isang biktima ng pambu-bully ay naging isang inspirasyon sa marami.
Sa kabila ng mga hamon sa buhay, hindi siya sumuko. Sa suporta ng kanyang mga magulang na sina Isabella at Ednel, natutunan niyang ipaglaban ang kanyang sarili. Pinili niyang maging isang guro upang ipalaganap ang Anti-Bullying Act at tulungan ang mga kabataang dumaranas ng parehong sakit na kanyang naranasan noon. Ngunit hindi lang doon nagtapos ang kanyang kwento-naging isa rin siyang matagumpay na negosyante, itinayo ang Charles Super Resort at ang Chalibee Fast Food.
Sa huli, natagpuan niya ang pag-ibig at bumuo ng sariling pamilya, pinalaki ang kanyang mga anak na may paninindigan at malasakit sa kapwa. Isang patunay si Charles na ang kahapon ay hindi kailangang maging hadlang sa kinabukasan.