SmilingChapters
Hindi naman niya hiniling na mapasok ang isang kwento.
Si Melody Evasco, isang binibining ang kaligayahan ay nakasuksok sa pagitan ng mga pahina-mga pahinang puno ng pantasya, damdamin, at mga kathang inililihim sa daigdig. Akala niya, ligtas siya roon. Hanggang sa ang isang librong tila walang muwang... ay siya palang may buhay.
Sa isang iglap, ang daigdig na binabasa lamang niya ay naging totoo. Ang mga alamat ay nagkaroon ng anyo. Ang mga bayani at kalaban ay naging laman ng kanyang paningin. At ang pag-ibig-ang damdaming minsan ay binabalewala lamang sa nobela-ay dumating, sa oras na pinaka hindi niya inaasahan.
Ngunit sa mundong ito, ang pag-ibig ay hindi basta kilig o ngiti. Ito'y kasabay ng sumpa, ng panganib, at ng kapalarang sinulat na bago pa siya isilang.
At sa bawat pahinang kanyang tinatahak, lalo siyang nilulubog sa isang tadhanang hindi kanya, ngunit tila nakatali sa kanyang puso.
Ngayo'y may tanong na pilit na umuukilkil sa kanya:
Pipiliin ba niyang mahalin ang lalaking sa panaginip lamang niya dapat masumpungan? O sisirain niya ang kwento upang mailigtas ang sarili-kahit ang kapalit ay pagkawasak ng damdaming ngayo'y hindi na niya maitanggi?