kryper23
Ano po ba ang ikinamatay ni Mommy Gemma, Dad?" tanong ni Maricar sa kanyang ama na si Alfredo.
"Siguro hindi niya kinaya yung pinanganak ka niya. Biglang nalagot ang kanyang hininga pagkatapos ka niyang iluwal, Maricar," tugon ni Alfredo sabay subo ng pagkain sa kutsara.
"Ganun po ba, Dad? Hindi ko man lang siya nakita kung anong hitsura ni Mommy Gemma. Kawawa naman pala si Mommy? Maganda po ba Mommy Gemma, Dad?"
"Aba, oo naman! Siyempre, gwapo si Daddy mo. Ha ha ha! Sige, bilisan mo ang pagkain mo diyan baka male-late ka na sa klase nyo," sabi ni Aflredo sa anak na 17-anyos.
"Di bali, Dad, malapit na rin ang graduation namin, eh! Saka wala nang gaanong klase sa subjects namin. Kahapon nga, kuwentuhan na lang kami nang kuwentuhan ng mga kaklase ko," turan ni Maricar sabay inom ng juice.