Bad_author01
Si Aira, isang trainee nurse na nakakakita ng mga patay, ay natigil sa gitna ng kaguluhan nang sumapi sa pinakamahusay na doktor-Dr. Mercado-ang kaluluwang kilala bilang Shadow Surgeon, isang madilim na espiritung nangunguha ng kaluluwa.
Habang lumalaganap ang mga multo, hallucinations, at misteryosong pagkamatay sa ospital, tanging si Aira lang ang makakapasok sa mundo ng mga patay para pigilan ang isang lumang doktor na muling nagbubukas ng operasyon... sa mga kaluluwa.
At ngayong unti-unting kinakain ng dilim si Dr. Mercado, kailangan niyang pumili:
Ililigtas ba niya ang ospital?
O ang lalaking unti-unting nagiging halimaw?