maamtin_thoughts
Sa gitna ng gubat, may isang pamilya. Sa gitna ng gabi, may isang sigaw. At sa gitna ng Suba, may isang hiwagang matagal nang natutulog.
Si Jose, ang panganay na anak ng pamilyang Latorino, ay naninirahan sa isang lupang minana-malayo sa siyudad, malapit sa mga alamat. Isang gabing hindi nakauwi ang kanyang ama, isang sanggol ang nawala. At ang Lagkaw, ang lumang bahay-kubo sa dulo ng Suba, ay muling nabuhay sa mga bulong ng dilim.
Totoo nga ba ang Wakwak? O may mas matinding nilalang na naghihintay sa ilalim ng buwan?
"Isang sanggol ang nawala. Isang alamat ang nagising. Sa Lagkaw, nagsisimula ang dilim."