HettyWrites_13
"Alam 'ko.... Alam kong makasarili ang umibig sa'yo-
hindi ka kabilang sa mundong isinulat para sa'kin.
Pero kung may sandali lang na hindi ako hawak ng may-akda,
ikaw ang pipiliin ko. Palagi."
When the line between fiction and reality fades, are you willing to risk
loving someone who was never meant to exist?
Isinulat si Leon bilang isang karakter na may papel na ginagampanan, mundong dapat sundin, at manatili lamang sa mga pahina. Ngunit nang iwan ng may-akda ang kanyang kwentong "The Blade and the Crown", nagsimulang mabura ang bawat pahina, bawat alaala, bawat buhay na nakatali sa kuwento. Kasama si Leon.
Sa gitna ng pagguho ng kanyang mundo, tumakas si Leon-mula sa pahina, mula sa tadhana, patungo sa isang mundong hindi kanya upang iligtas ang kanyang mundo. Doon niya nakilala si Roah Castro, isang mambabasa na minahal ang kuwento nang higit pa sa inaasahan. Isang taong hindi bahagi ng isinulat na kapalaran, ngunit naging dahilan kung bakit nais ni Leon na manatili.
Ngunit ang pag-ibig sa labas ng kuwento ay may kapalit.
Habang unti-unting binubura ng limot ang mundong iniwan niya, kailangang pumili si Leon:
bumalik sa mundong kontrolado ng may-akda o manatili sa mundong pinili niya, kahit ang kapalit ay ang lahat ng kanyang pinagmulan.
Dahil minsan,ang pinakamapanganib na bagay na magagawa ng isang karakter ay pumiling magmahal.