happytobeyour
Ang buhay ni Pauline Grace ay isang maingat na inilatag na plano, puno ng pangarap na lumipad at layuning ibangon ang pamilya. Subalit sa isang iglap, gumuho ang lahat. Ang mga taong pinagkakatiwalaan niya, ang mga pundasyong inakala niyang matibay, ay siya pa lang magtutulak sa kanya pababa.
Sa gitna ng Makati Central University, sa ilalim ng pang-aasar ng matalik niyang kaibigan at ang biglaang pagpasok ng isang mapang-asar na estranghero, pilit niyang binubuo ang sarili. Paano ka uusbong muli kung ang pinakamapait na aral sa buhay ay nagmula sa mga pinakamamahal mo? At paano ka magpapatuloy kung ang katotohanan ay mas masakit pa kaysa sa anumang kasinungalingan?
Handa ka bang harapin ang katotohanan kapag ito'y sumalpok sa'yo nang walang babala? Samahan si Pauline Grace sa paglalakbay niya upang muling matuto kung paano lumangoy sa gitna ng unos na siya mismo ang naglikha.