anggecutezee
📖 Story Description
Si John Matthew Lagon, isang Grade 10 student na pasaway at walang interes sa pag-aaral. Cutting classes, barkada, bisyo-iyan ang mundo niya. Para sa pamilya, siya ang problema. Para sa sarili niya, wala nang nagmamahal sa kanya.
Pero sa likod ng lahat ng galit at sermon, may isang taong handang ipagtanggol at unawain siya-ang kanyang Lola, si Nanay Emelita.
Para kay John Matthew, si Lola lang ang kampi niya. Hindi niya alam, sa bawat pagtatanggol at pag-unawa, may kasamang pagod, sakit, at lihim na hindi niya agad mapapansin.
Isang kwento ng pagmamahal, sakripisyo, at mga alaala.
At kapag dumating ang araw na ang lahat ay maging gunitâ na lamang... doon niya mauunawaan kung gaano kalalim ang pag-ibig ng isang Lola.