JasminCabaldo3
Alam mo ba kung ano pinakamatinding problema na pwedeng maencounter ng isang mag-aaral?
Para sa akin, hindi isang daang item na quiz, or makatulog sa klase ni ma'am or sir...
Well, subukan mong pumasok nang magkaiba ang sapatos-isang sa'yo, at isa sa kapatid mo!
In this short story, samahan nyo akong pagpawisan kung paano ko haharapin ang isang hamong kalkulahin ang bawat galaw at posisyon ng mga tao sa paligid ko.
Sa gitna ng seryosong flag ceremony at mahigpit na ROTC inspection, isang malaking palaisipan ang kailangan kong lutasin:
1) Paano ko ipapantay sa mandatory 30-degree position ang dalawang sapatos na magkaiba ang laki at hugis? 2) Susundin ko ba ang dulo ng sapatos, o ang hinlalaki?
🏫🏬📌
Sa huli, samahan ang ating bida sa isang nakatutuwa at nakatatarantang "survival mission" laban sa matatalim na mata ng mga guro, ang yuyukong squad kapag prayer time, at ang kaibigang halos maihi na sa kakatawa. Isang kwento ng kapalpakan, pagtitiis, at ng 'di matatagpuang suwerte sa sapatos na tiyak na magpapahalakhak sa iyo!
This story is originally written by Jasmin Cabaldo✨
Enjoy reading po and don't forget to comment. 💚😅