jnd23_10
Tyron Santiago a normal gay guy sa isang simpleng bayan na payak na namumuhay ng mag-isa. Isang gabi habang naglalakad pauwi ay nakakita ito ng isang dugoang tao sa isang malaking puno ng manga. Hinang-hina at puno ng mga sugat, dahil sa di niya kayang iwan ito dito ay pinatuloy niya si Logan sa munti niyang bahay at doon ginamot. Bawat araw na dumadaan ay unti-unting nahuhulog ang loob nito sa lalaki ng di niya napapansin.
Dahil sa isang pangakong binitawan ni Logan, nagkaroon ng pag-asa ang isang Tyron na balang araw ay malalaman rin niya ang totoong nangyari. Sa wakas ay mabibigyan na niya ang mga ito ng hustisya.
Ngunit kaya ba niyang tanggapin lahat ng mga ito? Kaya ba niyang patawarin ang mga may sala? At Makikita parin ba niya ang dating Logan na nakilala niya?