yczeecarlo
Madaming hindi sigurado sa mundong ito, madaming pwedeng mangyari sa loob ng isang segundo. Madaming gulo sa paligid, madaming kaguluhan ang dulot nito. Ngunit tama sila, sa gitna ng ingay at mga inda. May isang taong dadating at patitigilin ang mga ito. Taong magpapabago ng takbo ng buhay mo. Ngunit ano ang mangyayari kung hindi akma ang panahon para sa dalawang tao? Paano kung huli na ang lahat? Is it worth the risk?