christinejoy_d
Si Angelica Faith Dela Cruz ay isang simpleng dalaga na may malaking pangarap-ang makatapos ng pag-aaral at matulungan ang kanyang pamilya. Sa araw, abala siya sa pagbabantay ng kanilang maliit na tindahan. Sa gabi, natatagpuan niya ang kapayapaan sa pagkanta sa kapilya, kung saan niya nagagamit ang kanyang talento para sa Panginoon.
Ngunit ang tahimik niyang mundo ay magugulo sa muling pagdating ni Rade Matthew Villanueva-ang lalaking dati niyang naging kaibigan... at ang taong nag-iwan ng sugat sa kanyang puso.
Gwapo, mayabang, at laging may ngiti sa labi, si Rade ay parang walang pakialam sa nakaraan. Ngunit para kay Angelica, hindi ganoon kadaling kalimutan ang sakit na iniwan nito.
Sa gitna ng muling pagtatagpo, mga hindi nasabi, at damdaming pilit tinatakasan, kaya pa kayang harapin ni Angelica ang nakaraan? O pipiliin na lang niyang patuloy na tumakbo palayo?
At habang unti-unting nabubunyag ang dahilan ng kanilang pagkakalayo, isang tanong ang mananatili-
Paano ka magpapatawad sa taong hindi mo pa rin kayang kalimutan?