Amara_Fhae
Si Faye ay isang brilliant at strict literature professor-kilala sa pagiging cold, sharp, at walang pake sa clingy students. Sa harap ng lahat, tila walang puwang ang puso niya para sa kahit sino. Pero sa loob-loob niya, naroroon ang pressure ng pamilya na kailangan na niyang mag-asawa-pressure na pilit niyang tinataboy, dahil alam niyang hindi niya puwede basta-basta ibigay ang puso niya sa unang dumating.
Si Yoko, isang senior student at natural na sweet at determined, ay tila may sariling misyon: lapitan si Faye, kahit paulit-ulit na walang pansin. Mula sa mga klase, mentoring sessions, at kahit simpleng pag-share ng notes, unti-unti niyang nararamdaman ang mga maliliit na cracks sa matigas na facade ng guro-mga lihim na ngiti, maikling titig, at maliliit na pag-alala na hindi niya inaasahan.
Ngunit ang pagitan nila ay puno ng ethics, professional boundaries, at societal expectations. Paano ka magtatapat ng damdamin sa isang taong bawal mahalin, at paano ka magmamahal sa taong gusto ring umiwas sa puso mo?