MalditaBerries
Nanahimik si Rowan sa San Carmel, hanggang sa guluhin ito ni Shawn-isang sikat at guwapong artista na may kakaibang takot... umakyat sa puno.
Para lang mapansin ni Rowan at patunayan ang pagmamahal niya, piniling hamunin ni Shawn ang sarili-umakyat sa paboritong punong-mangga ng dalaga. Pero imbes na magmukhang bayani, nauwi siya sa pagiging katawa-tawa, nakasabit na parang tukong ayaw bumitaw.
Flattered si Rowan, pero nag-aalinlangan ang puso niya. Sino bang matinong lalaki-lalo na't isang sikat na artista-ang iibig sa isang promding bulol na katulad niya?
Pero makulit si Shawn Sabi niya, pag-ibig niya ang makakagamot sa kanya. At tila totoo-dahil tuwing kaharap niya ito, nawawala ang pagkabulol niya.
Hindi na tuloy napaglabanan ni Rowan ang charms nito... at napa-"Oo."
Pero ngayong tapos na ang bakasyon ni Shawn, kaya ba nilang ituloy ang pagmamahalan? O mananatili na lang itong isang alaala sa lilim ng punong-mangga?
______
"One day,hindi ka namagdududa
sa pag-ibig ko.Pangako yan."