iluvjxcesimi
Sa murang edad na labing-walo, dala na ni Hope Lavelle Perez ang mga sugat na iniwan ng isang trahedyang hindi niya kailanman inasahan. Ulila, tahimik, at pilit na binubuo ang sarili, pumasok siya sa kolehiyo na may iisang pangako-walang relasyon, walang distraksyon, at puro pangarap lang.
Bilang isang first year Psychology student, gusto lang ni Hope na maging low-key. Ayaw niyang balikan ang nakaraan. Ayaw niyang pag-usapan ang sakit. Ang tanging nais niya ay makapagtapos at makabawi sa mga taong naniwala sa kanya.
Pero paano kung ang kapalaran ay may ibang plano?
Isang simpleng group chat.
Isang maling akala.
Isang lalaking tahimik pero may boses sa musika.
Si Jarron Javier Ferrer-isang second year Psychology student na kilala bilang "scary" at "bad boy," ngunit may pusong marunong maghintay. Sa gitna ng musika, unti-unting nabubuo ang koneksyon na hindi hinanap ni Hope, ngunit dahan-dahang nagpapagaling sa kanya.
Isang kwento ng pagbangon, pag-ibig na hindi minadali, at musikang naging kanlungan ng mga pusong sugatan.
At sa bawat hakbang nila-
saksi ang langit.