Austriaethan
"Clara, pwede ba tayong mag-usap?" mangiyak-iyak at punong-puno ng emotions na boses ang narinig ko saki'ng likuran, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at wala akong intensyong kausapin siya. "clara, kalayaan sa kamay mo ang lumbay." Napahinto ako at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Dali dali kong pinunasan ang luha ko at huminga ako ng malalim at pagkaharap ko palang ng bigla niya akong niyakap ng pagkahigpit-higpit na para bang aalis na siya. Tinulak ko siya at di'ko akalaing napalakas pala ang tulak ko kaya ito natumba, tutulungan ko sana kaso Dali dali naman itong tumayo, "clara ikaw lang sapat na ang buhay ko, sorry dahil sa sandaling Masaya ako nakalimutan kita na naghihintay sakin, sa sandaling nasa liwanag ako nasa kadiliman ka, nasisisi ako sa mga nasayang na oras na dapat tayo ang magkasama, nagsisisi ako dahil naiwan kita na nagiisa na dapat sabay tayo maging Masaya, clara please.. narito ako sa harapan mo na sabihin na kailanman di mawawala ang pagmamahal ko sa iyo." tuluyan ng tumulo ang mga luhang punong puno ng sakit, at sa mga panahong sariwa pa sa aking isipan ang pag-iwan mo sakin kung alam mo lang kung gaano kasakit at sa bawat patak ng luha ng luha ko ikaw ang sinasambit.
"Joshua ayoko ng masaktan" pasigaw na sinbi ko saknya. "Ayoko ko nang balikan ang mga alala mong mapanakit. Di muna maipipilit, wala na akong babalikan. Wala na dahil tapos na.
Uunahin na ang sarili, makuha lang din ang sapat.
pasensiya kana kaya ko ng mag-isa. Naiintindihan kita nung araw na umalis ka sa tabi ko dahil di mo kayang maging Masaya sa piling ko"