Armarok1
Sa kabilang panig ng pader na tumaas nang limandaang metro, naninikat ang isang bansang puno ng matataas na gusali at pag-unlad. Sa kabila naman nito, nakatayo ang isang gubat na tila ayaw mamatay, tahanan ng mga hayop na mas malaki pa sa bahay, may mabangis, may kakaibang maamo, at mga teknolohiyang walang sinumang nasa labas ng pader ang nakaiintindi.
Siyam na taong gulang si Yuren. Pero hindi tugma ang bilang ng kanyang edad sa laki ng katawan niya, dahil mukha na siyang labing-isang taong gulang, at wala siyang kamalay-malay kung bakit.
Hindi naman siya tanga. Isa siya sa pinakamatalino at masipag na estudyante sa paaralan, pero alam niyang kakaiba siya, kahit hindi niya maipaliwanag paano. Nagsimulang humantong ang totoo sa kanya nang muling makita niya ang lolo niya sa pangalawang pagkakataon, may bumabalot na lamig sa kanya habang naisip niyang may mali. Ang mga tsismis na nababasa niya online at mga kwentong hindi niya makalimutan, unti-unti itong gumagapang sa isip niya. Totoo kaya ang mga kakaibang bagay na nangyayari, hindi lang sa social media kundi sa totoong mundo sa labas ng kanyang bintana?
Nang matuklasan niya ang tungkol sa tito niya, isang kakayahang hindi dapat posible, doon nagsimulang tumigil si Yuren sa pagtanggap ng mundo kung ano lang ang itinuro sa kanya. Doon siya nagsimulang magtanong, ano talaga ang mundong ito?
Isang lugar na puno ng misteryo. Hinabi mula sa mga bagay na hindi dapat umiral.
Tahimik lang si Yuren. Hinayaan na lang niya ang sarili na sumabay sa agos ng buhay, lumalaking lumalaki, mas mabilis pa kaysa dapat, habang ang lahat sa paligid niya'y parang may alam na higit pa sa kanya. Naghihintay siya. At kung ano man ang susunod, handa na siya.
Samahan si Yuren sa mundo na puno ng misteryo at kakaibang mga kaganapan, magagawa kaya niyang mas mapalalim pa ang kanyang kaalaman gamit ang kanyang matalas na pagiisip o hintayin na lamang niya kung ano ang susunod na mangyari. Magiging banta ba ito sa buhay niya? Alamin.