shinderellaaaaa
Hindi nabubuo ang araw ni Vane ng hindi siya nagsasayaw o nagpeperform sa harap ng mga tao. Anim na taon na gulang nang nadiskubre ng kanyang ina ang taglay niyang galing sa pagsasayaw. Kaya simula noon, inenroll na siya nito sa iba't ibang dance class. Ballerina, Gymnastic, lahat na ata ng sayaw inaral niya. Ngunit sa Street Dance siya mas nag enjoy. Bukod sa batang kalye si Vane, hindi to napapakale sa loob ng kanilang bahay. Kawikain niya mas masaya sa labas ng bahay nila. Hiwalay ang mga magulang ni Vane, ang kanyang ama ay may sarili ng pamilya. Habang ang kanyang ina ay nakipagsapalaran sa ibang bansa. Kaya pag sapit ng kanyang ika-15 na kaarawan natuto na siyang mamuhay na mag-isa. Wala siyang kapatid kaya, pakiramdam ni Vane buong buhay niya mag-isa lang siya. Kaya naman mas gusto niyang nasa kalye kesa sa kanilang tahanan na siya lang mag-isa ang laman. Pero magbabago ang lahat ng siya ay mag Senior High School na.