raizayr_write
Sa likod ng tahimik na pader ng isang prestihiyosong unibersidad, lihim na namuo ang bawal na relasyon nina Propesor Jeon Jungkook at ng kanyang estudyanteng si Kim Taehyung. Para kay Taehyung, totoo ang lahatpunong-puno ng damdamin at handang ipaglaban kahit bawal ngunit may tinatagong lihim si Jungkook na mas mabigat pa sa kanilang kasalanan: siya ay may nobya na at malapit nang pakasalanang pinsan mismo ni Taehyung. Nang mabunyag ang katotohanan, tuluyang nadurog si Taehyung, at napagtanto niyang isa lamang siyang laruanisang pansamantalang aliw sa buhay na kontrolado ni Jungkook. Sa sakit at kahihiyang iniwan sa kanya, pinili niyang mawala... ngunit may dalang pangakong hindi kailanman mabubura. Sa kanyang pagbabalik, hindi na siya ang dating inosenteng estudyante-kundi isang taong mas malamig, mas matatag, at handang iparamdam kay Jungkook ang sakit ng pagtataksil na minsan niyang tiniis.