Keijimoru
Dumating ang isang matinding unos sa buhay ni Eevone-isang pagsubok na yumugyog sa kanyang mundo. Ang masakit pa rito, sangkot sa trahedyang iyon ang sariling ama ng matalik niyang kaibigan na si Lance.
Sa gitna ng lahat ng gulo, nagkaroon ng lihim na pagtingin si Lance sa kanya. Ayaw man ni Eevone na mabagok ang damdamin o matapakan ang ego nito, mas pinili pa rin niyang magpakatotoo sa kanyang saloobin: binigo niya ang binata at tinanggihan ang pag-ibig nito. Gayunpaman, 'di tulad ng iba na basta na lamang lalayo, nanatili si Lance sa kanyang tabi-patuloy na nagsilbing sandigan at pader na masandalan.
Sa kanyang walang-humpay na paghahanap ng hustisya, hindi namamalayan ni Eevone na unti-unti na pala siyang nagpapatayo ng sariling rehas. Isang kulungan na gawa sa labis na poot, galit, at walang-katapusang pagkabahala. She was completely drowning in melancholia, nilalamun ng dilim at kalungkutan.
Matulungan kaya siya ni Lance na makaahon mula sa malalim na hukay na ito, o tuluyan na siyang makukulong sa rehas na siya rin ang gumawa?