jeyoulove
Akala ni Jea, simpleng adjustment lang ang paglipat niya sa probinsya para may makasama ang kanyang lola Rosing.
Ngunit hindi niya inasahan na dito magsisimula ang bagong kabanata ng kanyang buhay - mga bagong kaibigan, alaala, at isang taong dahan-dahang babago sa takbo ng kanyang mundo.
Sa gitna ng saya, selos, sakit, at mga damdaming mahirap unawain, unti-unti niyang matututunan na hindi madali ang magmahal.
Minsan, kailangan mong masaktan, maghintay, at ipaglaban ang nararamdaman mo kahit hindi sigurado ang kapalit.
Pero hanggang saan kaya kakayanin ng puso kapag ang pag-ibig ay sinubok ng panahon at pagkakataon?
Will their love survive beyond everything?