forever_an2phile
Sinasabing ang Bulkang Mayon ay puno ng kwento - tungkol sa wagas na pag-ibig, matibay na lakas, at mahabang kasaysayan. Ngunit sa likod ng tanyag na alamat nito, may isang kwentong hindi pa naibabahagi. Ang kwento ni Mayonah, ang batang lumaki sa gitna ng mga lumang bato at alaala ng nakaraan.
Payapa at simple ang kanyang mundo hanggang sa may dumating na bisitang galing sa malayo. Isang simpleng pangyayari ang nagtagpo sa kanilang landas, at nag-iwan ng bakas na hindi madaling mabura. Isang telang headscarf, sulat ng pasasalamat, at isang bulaklak - mga bagay na tila karaniwan lang, ngunit magsisilbing tulay para pagtagpuin muli ang dalawang magkaibang mundo.
Ang ganda ng Mayon ay hindi lamang nasusukat sa perpektong hugis nito. Minsan, ang tunay na ganda ay nararamdaman - sa mga simpleng gawa, sa mga panandaliang pagkikita, at sa mga alaala na mananatili magpakailanman.
Date Started; June 22, 2024
Revised & New Vision; June 11, 2026
End ; ⎯