kyrakeshaparman
Si Kycca Tellaeir Pascual ay isa sa mga sa top students simula noong grade school pa lamang hanggang sa pagka graduate niya ng highschool, kaya naman hindi siya nagdalawang isip na mag apply ng scholarship at walang kahirap-hirap na nakapasok sa #1 University ng kabilang lugar sa Alecsandri
Ngunit nagbago ang lahat pagkatapos ng kanilang Foundation days simula nung magkatagpo ang kanilang mata ng drummer sa banda na Sunburst Cola sa event na PasiklaBand sa kanilang University.
Sa sobrang curious niya sa lalake ay hinanap-hanap niya ito kung saan-saan sa social media mapa Facebook, Twitter, Instagram, pati na rin sa Threads. Sa sobrang desidido na makilala ang lalaki, nahanap niya ang account na nag ngangalang Reizen Vien Macerdo sa shared post ng Isang Facebook friend. Nalaman niya na hindi lang pag babanda ang ginagawa ng lalaki dahil maliban sa pagbabanda, Videographer at Photographer din ito sa University Publication. Kulang nalang ay sumali din ito sa pag pageant sa sobrang pogi nito.
Sa sobrang daming humahanga sa lalaki, hindi mapigilan ni Kycca na malungkot dahil wala siyang laban sa mga fan girls nito na magaganda at heto siya, utak lang ang kaya niyang maipaglaban dahil hindi naman siya maganda at aware siya nito.
Sa kalagitnaan ng pag stalk niya sa Instagram ng lalaki ay aksidente niyang na follow at dali-dali niya sanang I unfollow ngunit huli na ang lahat dahil nagulat nalang siya na I follow-back rin siya nito. Si Kycca lang ang finollow nito sa lahat ng 5,000 followers niya.
Akala ni Kycca na aksidente lang na napindot ng lalaki ng bigla itong nag chat sakanya.