Sonder_Blick
Sa tagong lugar ng Bartolome, may isang simbahan ang napaglipasan ng panahon.
Hindi tinatao.
Walang pumapasok.
Kahit makasalanan, hindi na nagawang manalangin sa bahay Niya.
Walang rason para iwanan ang tahanan ng mga makasalanan. Walang binigay na pasabi bakit bigla na lang sila lumisan.
Walang kumalat na balita kung bakit naluma na ang kapilya.
Bagaman ganoon ang nangyari, nagdaraos pa rin ng misa ang naninirahan dito.
May Pari rito.
May Sakristan ding nagsisilbi.
Tulad ng dati.
At may isa ring nananalangin.
Kahit mag-isa ang San Bartolome sa tagong lugar, napaglipasan na ito ng panahon.
May tumatao.
May biglang pumapasok.
Kahit makasalanan, nananalangin sa bahay Niya.
May rason ang lahat. Hindi lang marinig. Hindi lang makita.
Mag-antanda ka bago pumasok sa simbahan.
At manalangin ka.
Dahil kahit tama ang panalangin mo,
hindi mo alam kung sino ang tumugon.