oneandonlyalana
Angelica is happily living in a relationship na akala niya ay pangmatagalan. Hindi niya alam na ang boyfriend niyang si Nikolai ay may madilim na ugali, isang lalaking sanay magpalit ng babae na parang buwanang rutina. Sa kabila ng lahat, nanatili siyang bulag sa katotohanan.
Hanggang sa dumating si Aurelia.
Beautiful, charming, at tila walang masamang intensyon. Mabilis niyang nakuha ang tiwala ni Angelica, at habang tumatagal, mas lalo silang naging malapit. Ang hindi alam ni Angelica, si Aurelia ay isa sa maraming babaeng sinaktan at iniwan ni Nikolai.
Ngunit hindi siya bumalik para bawiin ang ex nya.
Bumalik siya para maghiganti.
Dahan-dahan niyang pinasok ang mundo ni Angelica. Pinaramdam niya rito ang pagmamahal, pag-aaruga, at kaligayahan. At nang tuluyan nang mahulog ang puso ni Angelica sa kanya, saka niya inilantad ang katotohanan.
The love was real... or maybe it was never real at all.
Isang planong ginawa upang iparanas kay Angelica ang sakit ng pagkawala, pagtataksil, at pagkawasak ng puso, ang parehong sakit na iniwan ni Nikolai sa kanya noon.
Pero paano kung habang isinasagawa niya ang kanyang paghihiganti, siya rin ang unti-unting nahuhulog sa kanyang sariling ginawang patibong?
My Ex's Ex. A story about revenge, betrayal, heartbreak, and a love that started with lies. Because sometimes, the person you choose to hurt isn't the one who broke you... but the one who ends up breaking your heart too.