jorosstawat
Meet 'Marcielo Prado' a.k.a. 'Cielo', isang struggling IT student na nag-aaral sa Maynila. Fourth year na si Cielo, at graduating na siya. Ang dapat sana ay diploma na, naging bato pa sa hindi inaasahang pangyayari. Dahil sa frustration at mga dagok sa buhay niya, siya ay nagtungo sa bayan ng kaniyang Mama Maricel- sa bayan ng Santa Filomena. Mayaman sa kasaysayan ang bayang ito, at may hacienda sila rito, kaya naman ito ang naisip na vacation getaway ni Maricel para sa anak niyang si Cielo.
Sa pananatili ni Cielo sa hacienda na itinatag pa sapul ng kaniyang mga ninuno, madi-discover niya ang mga kakaibang pangyayari na magdadala sa kaniya upang pagtagpi-tagpiin ang suliranin ng kahapon- ang hindi mabilang na mga liham na halos matupok at mapunit na sa kalumaan. Na-discover niya ito sa tinutuluyan niyang kwarto sa hacienda. Subalit ay may natatanging kapiraso ng papel na nakapukaw ng atensiyon ni Cielo, at binasa niya ito. Ang daan upang mapunta siya sa taong 1895.
At hindi maglalaon ay makikilala niya ang matalik na kaibigan ng kaniyang ninuno, Si Don Esteban Del Gabriel, ang Capitan Municipal (Gobernadorcillo) ng bayan ng Santa Filomena. Kilala nito ang tunay na Marcelino, kung kaya'y mapapansin ba nito ang pagbabago sa makakaharap niyang Marcelino makalipas ang halos tatlong taon na hindi sila nagkita? Mas mapapalapit ba sila sa isa't-isa? Paano nila sabay na haharapin ang malupit na mundo na pinaghaharian ng mga mananakop?
-----
Ang nobelang ito ay kathang-isip lamang ng may akda. Ano mang pangalan, pagkakakilanlan, lugar, pangyayari, at mga mahahalagang bagay sa kasaysayan ay nahaluan na ito ng malayang imahinasyon. Mangyari lamang na magkaroon ng kamalayan na ang nobelang ito ay may adhikaing mahalin ang ating bansa, kasaysayan, kultura, at ang ating kapwa nang walang kinikilalang kasarian. Maraming salamat!
-----
Isang pahiwatig: Ang background ng pabalat ay ginawa gamit ang AI, ngunit ito ay manually edited na kasama ang elements