MysteriousGirl1008
Sa panahon kung saan ang salita ay bantay-sarado, at ang pag-ibig ay itinuturing na kasalanan, natagpuan ni Aurembia Silviera ang sarili niyang humahawak sa isang lihim na hindi niya kailanman hinanap isang sugatang rebolusyonaryo na nagngangalang Cassian Erenal, na dumating sa buhay niya tulad ng umagang hindi inaasahan.
Isang lihim na sulat.
Isang pangalang hindi dapat banggitin.
At isang damdaming bawal mahalin.
Habang papalapit ang sigaw ng digmaan at humihigpit ang kapangyarihan ng mga Kastila, napilitang mamili si Auri: ang tahimik at ligtas na buhay bilang isang
magandang dalagang ilustrada... o ang pag-ibig na walang kasiguruhan sa isang lalaking handang ialay ang dugo para sa kalayaan.
Ngunit ang mga liham na iniwan nila sa isa't isa mga salitang isinulat sa dilim at liwanag ay nagiging tanging tulay ng kanilang pag-ibig.
Hanggang sa ang isang pangakong nakasulat sa madaling-araw ay nagbabago sa kapalaran nila nang tuluyan.
Sa gitna ng panganib, pagtataksil, at pag-ibig na ipinaglalaban, matutuklasan nilang may mga puso talagang hindi nasusunog ng digmaan.
"Kung mawawala man ang mundo, Auri... hahanapin pa rin kita sa unang liwanag ng umaga."
Isang pag-ibig na isinilang sa dilim pero nakatakdang umusbong sa pagsikat ng araw.