keyt_wrights
Carson Rich Saranillo
Siya ang heartthrob ng Saint Luis University. Gwapo, sikat sa volleyball court, matalino, extrovert, at galing pa sa mayamang pamilya. Literal na perfect guy package. Lahat ng babae sa campus may crush sa kanya, pero si Carson? Wala siyang balak pumasok sa kahit anong relasyon. May rason siya, isang rason na balak niyang ilibing forever. Hindi niya alam, isang lalaki lang pala ang may susi para mabuksan yun.
Rey Moyer Abejo
Transferee. Tahimik, isolated, matalino, at mayaman din. Mahilig din sa volleyball, dati. Pero isang trahedya ang binago lahat. Trauma. Ta-kot. Yung hilig niya dati, yun na rin yung dahilan ng pagbagsak niya. Maraming sikreto si Rey. Sikreto na mas mabigat pa sa ngiti na hindi niya maibigay.
Dalawang mundo. Dalawang kwento.
Ang sikat na lalaking ayaw magmahal, at ang lalaking natatakot nang magtiwala ulit.
Maglalagay ba ng tadhana sa iisang court? O mananatili si Rey sa nakaraan, habang si Carson tumatanda nang walang kasintahan?
Abangan.