Chielsyn
Sa mundong kumakalansing sa ingay at pighati, si Maggie Yvelle Alcarez ay kumapit sa ritmo - ang tanging himig na hindi umaalingawngaw bilang sugat. Sa bawat indayog ng katawan ay may paglaya, at sa gitna ng katahimikan ng kanyang sayaw, sumulpot ang lalaking tila marunong makinig sa tunog ng pusong matagal nang pinipiling manahimik, Draven Ariston Dela PeΓ±a.
Ngunit gaya ng musikang napuputol sa gitna ng pinakamalambing na nota, kinailangan niyang talikuran ang entabladong minsang naging tahanan nila. At sa pagbabalik, dala niya ang bagong lakas - ngunit hindi handa sa tanawing ang lalaking ninanais niyang pakasalan ay parang may bagong melodeyang nahanap sa sariling puwang sa himig ng buhay niya. Sa sandaling iyun, nagbago ang tempo ng hangin - parang ang sarili niyang pintig ay biglang hindi na kasabay ng mundo.
At kahit pilitin nilang kumawala sa alon ng nakaraan, may mahinang ritmong nananatiling sumusulpot - isang bulong na hindi lumalakas, ngunit hindi rin kailanman namamatay. Sa huli, pareho silang binabalikan ng tanong na hindi mahanap ang kasagutan -
Paano isinasara ang musikang hindi tinapos, kundi iniwang nakabitin sa pagitan ng dalawang puso?
Paano mabibitin ang ritmong ni minsan ay hindi naputol?