armusewrites
"You may think we have different worlds, Alliah, but with you, no riches in the world can separate us-because you make me feel alive under the same sky."
Billionaire CEO.
Personal Assistant.
Twelve years apart.
Two completely different worlds.
Si Reizen Henares ay isang kilalang billionaire CEO na kinatatakutan ng lahat dahil sa kanyang malamig na ugali, mataas na pamantayan, at halos perpektong buhay.
Si Alliah Guevarra naman ay isang masayahin at makulit na assistant na mahilig sa makukulay na gamit, rainbow sticky notes, at mga bagay na kabaligtaran ng seryosong mundo ng kanyang boss.
Nagsimula ang lahat sa simpleng bangayan tungkol sa isang rainbow-colored stapler.
Hanggang sa hindi nila namalayang unti-unti nang nagiging tahanan ang isa't isa.
Sa maliit na apartment ni Alliah, sa mga lihim na notes na iniiwan ng isang intimidating CEO, sa mga gabing magkasamang nakatingin sa langit, at sa mga panahong sinusubok ang kanilang pagmamahalan, matututuhan nilang hindi hadlang ang yaman, edad, o estado sa buhay para mahalin ang isang tao.
Dahil minsan, sapat nang pareho kayong tumitingin sa iisang langit.
A story about love, laughter, healing, family, and finding home in the most unexpected person.